Pinoprotektahan ang free expression at nagbibigay-daan sa ligtas na global communication gamit ang open source privacy technology.

Ang Aming Misyon

Protektahan ang free expression at bigyang-daan ang ligtas na global communication gamit ang open source privacy technology.

Privacy First

Sa tulong ng aming flagship product, ang Signal Messenger, naniniwala kami na ang pagpapahalaga sa user privacy ay ang pagprotekta ng iyong data mula kaninuman, kasama na kami roon, sa halip na "responsableng" pag-manage ng iyong data.

Open Source

Bilang isang tapat na miyembro ng open source community, pinu-publish namin ang aming technology at ibinabahagi rin namin ang aming kaalaman para mahikayat ang iba pang mga kumpanya na gamitin ang mga ito sa kanilang mga sariling produkto at serbisyo.

Nonprofit

Ang Signal Foundation ay isang 501c3 nonprofit. Ipinagmamalaki namin ang designation na ito at narito kami para patunayan na ang isang nonprofit ay may kakayahang mag-innovate at mag-scale gaya ng mga negosyong for-profit.

Foundation + LLC

Ang Signal Foundation ay nabuo noong 2018 para suportahan ang Signal Messenger na nagsimula noong 2012. Sa pamamagitan ng Foundation na ito, nasuportahan namin ang paglago ng Signal at ang patuloy na pagpatakbo nito, pati na rin ang pagsiyasat sa kinabukasan ng private communation.

Privacy over Profit

Ang Signal ay isang nonprofit na walang advertisers o investors, at nakakapagpatuloy lamang ito sa pamamagitan ng mga taong gumagamit nito.

Bakit Foundation + LLC Structure?

Binuo namin ang Signal Foundation bilang parent ng Signal Messenger dahil nais naming mag-promote ng iba pang privacy preserving projects na siyang konektado sa aming misyon.

Libre Para Sa Lahat

Umaasa kami sa suporta ng komunidad para patuloy na maging libre ang Signal Messenger sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Susuportahan mo ba ang aming layunin?

Board Members

Larawan ni Amba Kak

Amba Kak

Si Amba Kak ay isang abogado at eksperto sa technology policy, at siya'y may higit isang dekadang trans-national expertise sa pagpapayo sa government regulators, industry, civil society organizations, at philanthropies. Siya ang kasalukuyang Executive Director ng AI Now Institute, isang leading policy research organization sa New York, at isa rin siyang Senior Fellow ng Cybersecurity and Privacy Institute ng Northeastern University.

Si Amba ay naglingkod bilang Senior Advisor ng U.S. Federal Trade Commission para payuhan ang nasabing regulator tungkol sa emerging technology issues. Bago ang AI Now, si Amba ay isang Global Policy Advisor sa Mozilla kung saan siya ang nag-develop at nagsulong ng posisyon ng nasabing organisasyon sa mga isyu gaya ng data privacy laws at network neutrality sa Asia-Pacific region at sa iba pang lugar. Kasalukuyan siyang nakaupo sa Board of Directors program committee ng Mozilla Foundation. Nakuha ni Amba ang kanyang BA LLB (Hons) mula sa National University of Juridical Sciences sa India. Siya'y mayroong Masters in Law (BCL) at MSc sa Social Science of the Internet mula sa University of Oxford, kung saan siya pumasok bilang isang Rhodes Scholar.

Portrait ni Brian Acton

Brian Acton

Si Brian Acton ay isang negosyante at computer programmer na co-founder ng messaging app na WhatsApp noong 2009. Nang naibenta ang app na ito sa Facebook noong 2014, nagpasya si Acton na umalis sa kumpanya dahil sa pagkakaiba ng pananaw pagdating sa paggamit ng customer data at targeted advertising para mas makapag-focus siya sa kanyang non-profit ventures. Noong February 2018, nag-invest si Acton ng $50 million mula sa sarili niyang pera upang masimulan ang Signal Foundation kasama si Moxie Marlinspike. Ang Signal Foundation ay isang nonprofit organization na nakatuon sa paggawa ng foundational work para maging accessible, secure, at nasa lahat ng dako ang private communication.

Bago mabuo ang WhatsApp at Signal Foundation, si Acton ay nagtrabaho bilang isang software builder nang mahigit 25 taon sa mga kumpanyang gaya ng Apple, Yahoo, at Adobe.

Larawan ni Jay Sullivan

Jay Sullivan

Si Jay ay isang product builder na may malawak na background sa senior product at engineering leadership roles sa consumer technology. Nito lamang, siya ang General Manager ng consumer and revenue products ng Twitter, kung saan siya ang namumuno sa engineering, product, design, research, at data science nito. Bago siya napunta sa Twitter, si Jay ay pumasok rin sa Facebook, kung saan siya ang namuno sa development ng Reality Labs' AI Assistant, at pagkatapos ay pinamunuan rin niya ang Privacy, Integrity, at Systems product teams ng Messenger at Instagram Direct. Si Jay ang dating SVP ng Product at dating Chief Operating Officer ng Mozilla, kung saan ay pinamunuan niya ang major releases ng Firefox noong sumisikat pa lamang ito, at isa rin siya sa mga nagsulong ng web platform at pagbibigay ng malayang pagpili at pag-kontrol online.

Si Jay ay isa ring start-up founder, at nilaan niya ang unang parte ng kanyang karera bilang isang software engineer at engineering manager ng Firefly Network (kumpanyang binili ng Microsoft) at Oracle.

Si Jay ay may degree sa B.S. in Applied Mathematics mula sa Yale College at isa rin siyang co-inventor ng ilang United States patents.

Larawan ni Katherine Maher

Katherine Maher

Si Katherine Maher ay ang dating CEO at Executive Director ng Wikimedia Foundation, na siyang responsable sa Wikipedia. Siya ang kasalukuyang non-resident Senior Fellow ng Atlantic Council, kung saan siya'y naka-focus sa pagtatagpo ng teknolohiya, human rights, at demokrasya. Bago ang Wikipedia, siya ang Director of Advocacy para sa digital rights organization na Access Now. Si Maher ay isang term member ng Council on Foreign Relations, isang World Economic Forum Young Global Leader, at isang security fellow sa Truman National Security Project. Siya'y isa sa board of directors para sa Center for Technology and Democracy, Consumer Reports, the Digital Public Library of America, Adventure Scientists, at System.com, pati na rin isang trustee ng American University of Beirut. Siya'y isang appointed member ng Foreign Affairs Policy Board ng U. S. Department of State, kung saan siya ang nagpapayo sa Secretary of State tungkol sa technology policy. Nakuha niya ang kanyang Bachelor's degree sa Middle Eastern and Islamic Studies noong 2005 sa College of Arts and Science ng New York University, matapos mag-aral sa Arabic Language Institute of the American University sa Cairo, Egypt, at Institut français d'études arabes de Damas (L'IFEAD) sa Damascus, Syria.

Portrait ni Meredith Whittaker

Meredith Whittaker

Si Meredith Whittaker ay ang Presidente ng Signal at isang miyembro ng Signal Foundation Board of Directors.

Mayroon siyang mahigit 17 taon na working experience sa tech sa mga area ng industry, academia, at government. Bago maging Presidente ng Signal, siya ay dating Minderoo Research Professor sa NYU, at naglingkod bilang Faculty Director ng AI Now Institute kung saan siya ang co-founder. Nakatulong ang kanyang research at scholarly work sa paghubog ng global AI policy at mailipat ang public narrative sa AI para mas makilala ang surveillance business practices at concentration ng industrial resources na siyang kinakailangan ng modern AI. Bago mag-NYU, nagtrabaho siya sa Google nang mahigit isang dekada bilang isang lead ng product and engineering teams, nagtatag ng Open Research Group ng Google, at bilang isang co-founder ng M-Lab, isang globally distributed network measurement platform na ngayon ay pinakamalaking source ng open data sa internet performance sa buong mundo. Tumulong rin siyang mamuno sa pag-organize sa Google. Isa siya sa core organizers na nagpoprotesta laban sa hindi sapat na pagtugon ng Google sa concerns tungkol sa AI at mga pinsalang naidudulot nito, at isa rin siyang central organizer ng Google Walkout. Nag-advise siya sa White House, the FCC, the City of New York, the European Parliament, at iba pang governments at civil society organizations patungkol sa privacy, security, artificial intelligence, internet policy, at measurement. Katatapos lang din ng kanyang termino bilang Senior Advisor sa AI sa Chair ng US Federal Trade Commission.

Emeritus

Portrait ni Moxie Marlinspike

Moxie Marlinspike

Si Moxie Marlinspike ay ang founder ng Signal.